Sunday, June 11, 2017

GABRIEL F. FABELLA: Talambuhay at Pamana ng Tinaguriang “Ama ng Hunyo 12,” 1898-1982

GABRIEL F. FABELLA:                               
Talambuhay at Pamana ng Tinaguriang
“Ama ng Hunyo 12,” 1898-19821

Kristoffer R. Esquejo, Dept. of History, College of Social Sciences and
Philosophy, University of the Philippines Diliman.

Taong 1962 nang nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proklamasyon Blg. 28 na nagbigay-daan sa pagpapalit ng araw ng kasarinlan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungong Hunyo 12. Ang ganitong makabansang hakbang ng dating pangulo ay itinuring ng marami bilang paggiit sa soberanya ng ating bansa sa pagbabalik sa orihinal na petsa na idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo, pangulo ng pinakamatandang republika sa Asya, na noo’y buhay pa. Samakatuwid, kinilala ang pangyayaring ito bilang isang radikal na pagtatangka natin na kumawala sa pagiging neo-kolonya ng Estados Unidos, ang dati nating mananakop. Gayunpaman, isang nakakalungkot na katotohanang tila hindi nabigyan ng lubos na pagkilala at halos nalilimot na ang totoong indibidwal na siyang may orihinal na pakana sa pagsasabatas na ito - si Prop. Gabriel F. Fabella, ang tinaguriang ‘Ama ng Hunyo 12.” Sino ba si Fabella? Higit pa sa pagiging historyador at guro ng Unibersidad ng Pilipinas, siya rin ay naging mandudula, mamamahayag, abugado, pulitiko, tagapagtatag ng ilang samahan at mga paaralan, manunulat at Rizalista. Bagama’t produkto ng edukasyong kolonyal ng mga Amerikano, siya ay isang halimbawa ng isang natatanging indibidwal na matagumpay na bumangon mula sa kahirapan at nagdulot ng ibayong mga ambag at dangal sa kanyang mga kababayang Pilipino, laluna sa mga taga-Romblon. Ang papel na ito ay isang pagtatampok sa talambuhay at mga pamana ni Fabella sa bansa. Bilang paggunita sa limampung taong anibersaryo ng nabanggit na kaganapan, susubukan ng papel na ito na patunayang hindi lamang nag-aaral, nagtuturo at nagsusulat ng kasaysayan ang isang historyador. May kapangyarihan din siyang lumikha at magdulot ng kasaysayan na may pakinabang sa antas pambansa.

Sa patuloy na pagbasa i-download ang PDF file, click: Talambuhay ni Prof. Gabriel F. Fabella.   

No comments:

Post a Comment

VOTERS' PLEDGE

I am a Responsible and Principled Citizen.

I will educate myself and others about the issues at hand so that my vote is a meaningful and relevant exercise of my right of suffrage.

I pledge to vote for candidates who will abide by the duly constituted rules on campaigning because I understand that those who refuse to obey the law in the little things are not likely to obey the law in the more important things;

I pledge to vote for candidates who, by word and action, renounce violence, coercion, vote-buying, and corruption as means for getting elected;

I pledge to vote for the candidates who listen to their constituents and are responsive to the needs and aspirations of those they seek to represent;

I pledge to vote as my conscience dictates in all elections.

I make these promises freely and upon my honor.

(This Voter Pledge was read at the Unity Walk of 13 January 2013, by COMELEC Commissioner Elias R. Yusoph)

SOURCE: NAMFREL